Search
  • BULGAR

Kahit anong kurso sa TESDA, may ginhawang hatid sa pamilya!

ALVIN FELICIANO / TESDA AT YOUR SERVICE

Mga ka-TESDA, ang bawat kursong nais ninyong kunin ay siguradong may kalakip na National Certificate basta kayo ay kukuha ng assessment test kaya kung natapos na ninyo ang training, magsabi agad sa inyong trainer upang maasikaso at mabigyan kayo ng Assessment Center kung saan maaari kayong magpa-assess. Siguraduhin na makukuha ninyo ang certificate sa tamang panahon na ibibigay nila sa inyo.

Tanong: Magandang araw! Gusto kong itanong kung ilang buwan ba ang training ng kursong Cookery II? Nais namin ng kapatid ko na kumuha. — Lileth Ponteras

Sagot

Mga ka-TESDA, ang Cookery NC II ay may nominal duration na 316 hours o humigit- kumulang tatlong buwan. Pumunta sa pinakamalapit na opisina ng TESDA sa inyong lugar upang kayo ay mabigyan ng kaukulang tulong at magabayan kayo sa inyong kukunin dahil hawak nila ang listahan ng mga eskuwelahan na maaari ninyong mapasukan.

Tanong: Magandang araw! Nakapagtapos ako ng kursong Culinary Arts in ISCAHM at kumuha ako ng NC II sa Gala Stars Culinary sa Pasig noong 2015 pa. Ako ay nakapasa sa assessment ngunit, hindi napadala ang aking certificate sa home address. Saan ko ba ito maaaring makuha? — Maja A. Santos

Sagot

Mga ka-TESDA, maaari ninyong makuha ang inyong NC II sa opisina ng TESDA sa Pasig, Mandaluyong, Marikina, San Juan (Pamamarisan) District Office na matatagpuan sa 2nd floor, NTTA Building, MPC Compound, Chayungco St., Sta. Elena, Marikina City. Gayundin, maaari kayong tumawag sa kanilang mga numero na 570-1315, 570-9893 o mag-email sa ncr.pamamarisan@ tesda.gov.ph.

Mga ka-TESDA, basta kayo ay makakukuha ng National Certificate, sinisigurado ng TESDA na magkakaroon kayo ng trabaho. Maraming mga kumpanya sa buong bansa ang naniniwala sa kakayahan ng TESDA graduates. Huwag itong maliitin dahil kapag may NC tayo, tiyak na pasok tayo sa aaplyan nating trabaho.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.