John Lloyd, Zanjoe, Echo, etc., gaya-gaya na lang… RICO J., PINAUSO ANG SAPATOS NA WALANG MEDYAS
- BULGAR

- Nov 1, 2018
- 1 min read

MARAMING mga nakakatuwang anecdote tungkol kay Rico J. Puno. Once you mention his name, isang ngiti ang mamumutawi sa mga labi mo.
Si Rico, if we remember, ang nagpauso ng pagsusuot ng sapatos na walang medyas, na ngayon ay nakikita na namin kina John Lloyd Cruz, Zanjoe Marudo, Jericho Rosales, atbp..
May nagkuwento sa amin na sa last presscon daw kung saan kasali ito, pinangaralan pa nito ang ilang members of the press.
Sabi ng nagkukuwento, “Sabi ni Corics, ‘pag pumunta ka ng toilet, huwag na huwag mong ila-lock ito, para raw ‘pag may aberyang nangyari sa ‘yo, madaling buksan at matulungan ka.”
Kasi that time raw sa presscon, nag-CR ito, nagkaroon ng aberya at nadala kaagad ito sa clinic.
Kuwento rin sa amin, una raw kumanta-kanta si Rico sa isang maliit na resto na ang pangalan ay Spindle. At alam n’yo kung ano na ang Spindle ngayon? Ito na ang kinatatayuan ng Saint Paul’s College.
Maraming kuwentong Rico and most of them are stories which make you smile. Rico really left a legacy in the entertainment world. No wonder, pati pala Malacañang ay ni-recognize ang kontribusyon ni Rico J. Puno sa OPM industry.
In a press release, Presidential Spokesperson Salvador Panelo stated, “We express our condolences to a legend that is Rico J. Puno. He has contributed a lot in the music industry.”
May his soul rest in peace.





Comments