Search
  • BULGAR

Gustong kuwestiyunin ang bisa ng pagkakaaresto kahit may applikasyon na sa pagpiyansa

DR. PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA / MAGTANONG KAY ATTORNEY

Dear Chief Acosta,

Ang kapatid ko ay napagbinta­ngang gumawa ng krimen at agad siyang hinuli kahit na walang sapat na ebidensiya. Sa kagustuhan naming hindi siya magtagal kahit isang araw ay nag-apply agad kami ng piyansa para sa kanya. Nais naming malaman kung maaari pa rin ba naming kuwestiyunin ang bisa at proseso ng pagkakaaresto sa kanya kahit na siya ay may aplikasyon na para sa piyansa? — Dikembe

Dear Dikembe,

Para sa inyong kaalaman ang Section 26, Rule 114 ng Rules on Criminal Procedure ang panuntunang naaangkop sa inyong sitwasyon. Ayon sa nabanggit:

“Section 26. Bail not a bar to objections on illegal arrest, lack of or irregular preliminary investigation. — An application for or admission to bail shall not bar the accused from challenging the validity of his arrest or the legality of the warrant issued therefore or from assailing the regularity or questioning the absence of a preliminary investigation of the charge against him, provided that he raises them before entering his plea. The court shall resolve the matter as early as practicable as but not later than the start of the trial of the case.” (Binigyang-diin)

Base sa nabanggit, malinaw na maaari pa ring kuwestiyunin ng akusado ang bisa ng pagkakahuli sa kanya, gayundin, ang legalidad ng warrant of arrest laban sa kanya o ang iregularidad o kawalan ng preliminary investigation kaugnay ng isinampang reklamo laban sa kanya kahit na siya ay mayroon nang aplikasyon para makapagpiyansa. Nararapat lamang na gawin ito ng akusado bago pa siya makapag-plea sa kanyang sakdal sa hukuman.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mai­nam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.