BAGUIO CITY, AKLAN AT MANDALUYONG MALUPET SA WOMEN MARTIAL ARTS FEST

DINOMINA ng Baguio City ang taekwondo, arnis at muaythai, habang namayani ang Aklan sa arnis; Mandaluyong sa wrestling; at University of the East sa fencing sa 5th Women in Sports Martial Arts Festival na ginawa sa Harrison Plaza, Pasay City.
Humakot ang highlanders ng 9 na ginto, 11 pilak at six bronze; namayani sa arnis 18-11-7 at muaythai 9-7-4 sa kabuuang medalya at ipakita ang galing sa tatlong combat sports na una nang nakakabilib sa Batang Pinoy at Philippine National Games.
Ipinakita ng mga taga-Aklan na hindi lang world tourist destination ang kanilang lalawigan na pamoso sa white sand sa Boracay, mahusay din sila sa pencak silat na sumungkit ng 9 na ginto at 3 tanso.
Namayani rin ang UST sa judo 10-5-5, UE sa fencing ay may 4-3-9 total medals at Taguig sa karatedo 10-7-5. May kabuuang 1,280 female martial artists kasama ang 288 sa karatedo, 220 sa pencak silat at 206 sa taekwondo ang lumahok sa dalawang araw na torneo kasabay sa pagdiriwang ng United Nations Day kung saan ang ‘Pinas ang original signatories.
Ang dalawang araw na paligsahan ay inorganisa ng Philippine Sports Commission na pinamumunuan ni Chairman William Ramirez at pinangasiwaan ni chairperson Commissioner Dr. Celia Kiram katuwang si executive assistant Judith Laygo at Roan Buendia. “The tournament serves as source of potential female athletes because martial arts practitioners all over the archipelago took part,” sabi ni Ramirez kung saan naglaan ang PSC ng sapat na halaga para masiguro ang tagumpay ng dalawang araw na torneo.
Hindi nilaro ang boxing at wushu dahil kulang sa mga kalahok. Sinabi ni Com. Kiram na mapapasama ang dalawang sports sa susunod na taon at bigyan ng pagkakataon ang mga atleta na ipakita ang kanilang angking galing.
Ang taunang torneo ay inilunsad ng PSC para ipakita ng mga atletang babae ang angking galing sa martial arts at makapaglaro sa mga international competitions tulad ng SEA Games, Asian Games, Olympic Games at iba pang highly competitive competitions.
Kung matatandaan nasapawan ng mga atletang babae ang kanilang male counterparts sa katatapos na Asian Games sa Indonesia kung saan nagwagi sina Brazil Olympian silver medalist Hidilyn Diaz, Yuka Saso, Kiyomi Watanabe, Bianca Pagdanganan, Lois Go, Margielyn Didal, Agatha Christenzen Wong at Divine Wally.





Comments