• Jeff Tumbado

Suweldo ubos sa online sabong, natakot kay misis | MISTER NANGARNAP NG TAXI, KULONG

ARESTADO ang isang mister matapos tangkain nitong holdapin at karnapin ang isang taxi dahil sa takot sa kanyang misis nang ma­ubos ang suweldo sa online sabong sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Ariel Laurente, 41, residente ng Bgy. San Antonio.

Ayon kay Galas Police Station 11 Comman­der Supt. Tomas Nuñez, alas-12:50 ng hatinggabi kahapon nang parahin ng suspek ang ND­GU taxi na may plakang WOW-632 na minamaneho ni Rommel Lorilla.

Nagpahatid umano si Laurente sa Agno St. dahil may susunduing kaibigan subalit, pagsapit sa Quezon Ave. corner Cordillera St., pinahinto nito ang taxi.

Nagkunwari umano ang suspek na masakit ang kan­yang paa at hindi siya ma­kababa ng taxi kaya pinaki­usapan umano nito si Lorilla na siya na ang pumunta sa bahay ng kanyang susun­duin at tawagin na lamang ito.

Pumayag naman si Lo­rilla subalit, nang makababa ang una sa sasakyan ay agad lumipat ang suspek sa dri­ver’s seat upang tangayin ang taxi subalit, hindi niya ito napa­andar dahil may na­ka­kabit na ‘anti-carnapping security feature’ rito.

Ilang minuto rin na na­kapagtago sa halamanan si Laurente bago ito nakita ng mga barangay tanod at mga pulis.

Sa presinto, inamin ng suspek na kaya lamang niya nagawa ang krimen ay dahil sa labis na takot nito sa kan­yang asawa na hiwalayan siya dahil sa pagkagumon nito sa electronic sabong o cockfighting via online ga­ming na palaging dahilan ng pagkaubos ng suweldo nito.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.