PANGULO NG ‘MAGULONG AIBA’ ABANGERS, MALALAMAN NA

ISA sa mga tradisyonal na larangang nagiging hugutan ng Pilipinas ng karangalan ay ang boxing pero sa kasamaang palad ay masyadong malubak ang tinatahak na landas ngayon ng world governing body na Association of International Boxing (AIBA). Pinakamatingkad na rason ay ang hindi pagkakaunawaan ng International Olympic Committee (IOC) at ng AIBA. Sa ikatlo ng Nobyembre, sisikad na ang AIBA Congress sa Moscow at isang krusyal na kaganapan dito ay ang paghirang sa susunod na pangulo ng AIBA.
Ang protagonists ay sina interim President na si Gafur Rakhimov ng Uzbekistan at si Serik Konakbayev mula naman sa Khazakstan.
Si Rakhimov ay sinasabing nasa talaan ng United States Treasury Department bilang “one of Uzbekistan’s leading criminals”. Nagbanta rin ang IOC na inihinto nito lahat ng ugnayan sa AIBA bukod du’n sa mga transaksyon sa working level dahil sa kawalan ng tiwala kay Rakhimov. Dating silver medalist sa light welterweight division ang 58-taong-gulang na administrador mula sa Kazhakstan pero hindi pa nakukumpirma ang kanyang nominasyon. Ang Kazhak ay sinasabing hindi pormal na kandidato dahil sa pagsusumite nito ng kanyang kandidatura pagkatapos ng deadline.
May mga ugong na kung hindi maaayos ang sigalot ay hindi malayo ang posibilidad na matanggal ang boxing sa 2020 Tokyo Olympics. Kung magkakaganun man, napaulat na nangako ang IOC na hindi maaapektuhan ng kaguluhan ang mga boksingero at pangangalagaan nito ang “olympic dream” ng mga simonpures. Anu’t-ano man ang mangyayari ay siguradong ang boxing associations sa buong mundo, kabilang na ang samahan sa Pilipinas ay nakasubaybay sa magiging resulta ng AIBA Congress.





Comments