- BULGAR
Kung labag sa batas ang paninira ng coral reefs bilang paraan sa pangingisda
DR. PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA / MAGTANONG KAY ATTORNEY
Dear Chief Acosta,
Ako ay dating empleyado sa kumpanya na may negosyong pangingisda. Nakalulungkot dahil ang aming paraan ng pangingisda ay ang pambubulabog sa mga isda sa pamamagitan ng pagpukpok ng coral reefs kung saan sila nakatira. Gayunman, nais kong malaman kung may nilalabag ba kaming batas dito? — Wilmar
Dear Wilmar,
Ang batas na sumasaklaw sa inyong sitwasyon ay ang Section 92 ng Republic Act No. 8550 o mas kilala bilang “The Philippine Fisheries Code of 1998” kung saan nakalahad ang mga sumusunod:
“Sec. 92. Ban on Muro-Ami, Other Methods and Gear Destructive to Coral Reefs and Other Marine Habitat. It shall be unlawful for any person, natural or juridical, to fish with gear method that destroy coral reefs, sea grass beds and other fishery marine life habitat as may be determined by the Department. “Muro-Ami” and any of its variation, and such similar gear and methods that require diving, other physical or mechanical acts to pound the coral reefs and other habitat to entrap, gather or catch fish and other fishery species are also prohibited.
The operator, boat captain, master fisherman and recruiter or organizer of fish workers who violate this provision shall suffer a penalty of two (2) years to ten (10) years imprisonment and a fine of not less than one hundred thousand pesos (P100, 000) to five hundred thousand pesos (P500, 000) or both such fine and imprisonment, at the discretion of the court. The catch and gear used shall be confiscated.”
Malinaw sa mga nabanggit na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng kaparaanan sa pangingisda na makasisira sa coral reefs at sinuman ang mapatunayan na gumawa nito ay maaaring maparusahan. Sa inyong sitwasyon, ang ginagawa ng inyong dating kumpanya na uri ng pangingisda sa pamamagitan ng pagpukpok at pagsira ng coral reefs ay maaaring maihalintulad o maituring na muro-ami at ito ay maliwanag na paglabag sa batas. Kaugnay nito, maaaring makulong o pagmultahin ng hukuman ang operator o may-ari ng nasabing kumpanya.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.