Search
  • BULGAR

Kahit sino mapapamura sa manyak na pulis! Buwisit!

PABLO L. HERNANDEZ III / PRANGKAHAN

DAHIL SA BANTANG SAMPAL NI P-DUTER­TE SA ICC PROSECUTOR, BAKA LABASAN NA SIYA NG WARRANT OF ARREST NG ICC? — Umuusok sa galit na pinagbantaan ni P-Duterte si International Criminal Court (ICC) Prosecutor Fatou Bensouda na kapag nagkita raw sila ay sasam­palin daw niya ito.

Nakupo, baka dahil sa bantang ‘yan ni P-Duterte ay apurahin ni Bensouda ang pagpapalabas ng “warrant of arrest” sa pangulo ng Pilipi­nas sa kasong crimes against humanity? Period!

◘◘◘

MILITARY MAN NA NAMAN SA CUSTOMS, MALAMANG SABLAY NA NAMAN ‘YAN — Maituturing na sablay na naman ang pagtalaga ni P-Duterte sa isa na namang military man sa Bureau of Customs.

Mantakin ninyo, sablay na ang pagtalaga noon ni P-Duterte sa military man na si ex-Comm. Nicanor Faeldon sa BOC dahil nalusutan ito ng P6.4 bilyon worth ng shabu, sablay din ang pagtalaga kay ret. Gen. Isidro Lapeña sa Bureau of Customs dahil nalusutan din ito ng P11 bilyon worth ng shabu tapos militar ulit sa katauhan ni ret. AFP Gen. Rey Leo­nardo Guerrero ang gagawin niyang head ng Bureau of Customs.

Kaya ang tanong, kung sina Faeldon ay nalusutan ng P6.4 bilyon shabu at Lapeña ay nalusutan ng P11 bilyon shabu, ilang toneladang shabu kaya ang makalulusot kay Guerrero sa Bureau of Customs? Abangan!

◘◘◘

HARAP-HARA­PANG MURA ANG INABOT KAY GEN. ELEAZAR NG RAPIST na PULIS — Sa tindi nang galit ni NCRPO Director General Guillermo Eleazar ay namura nito nang harap-harapan ang rapist na pulis na si P01 Eduardo Valencia ng Manila Police District (MPD) – STN. 4.

Kahit sino ay mapapamu­ra sa galit kay P01 Valencia kasi mantakin ninyo, dinoble na ni P-Duterte ang suweldo ng mga pulis para pagbutihin ang serbisyo sa mamamayan, tapos ang ginawa ng manya­kis na parak na ito ay nangga­hasa ng 15-anyos na dalagita, buwisit!

◘◘◘

SANGKATERBANG ILIGALISTA SA MA­KATI CITY — Balik-operasyon daw ulit ang mga saklaan nina “Lidas” at “Rodel” sa Makati City.

Kung ganu’n, hindi lang pala ang pa-lotteng at bookies nina “Rey Baba”, “Saybil” at “Pangan” ang namama­yagpag sa Makati City kundi pati mga saklaan.

Ganyan pala karami ang iligalista sa jurisdiction nina Mayor Abby Binay at Chief of Police, Sr. Supt. Rogelio Simon, buwisit!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.