top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

BIG CHANCE KAY MR. MAKLIN

Green Lantern
Oct 31, 2018
1 min read

RENDA at LATIGO

NAGTATAMA ba kayo mga tropang karerista, may mga dehado tayong pili na nanalo at tumimbang sa forecast, hindi man lahat ay tumatama pero karamihan ay tumitimbang at gawin natin itong asintahan hindi lang sa DD at FC maging sa Trifecta at iba pa tulad ng Winner-Take-All.

May Carry Over tayo sa Super Six na P35, 963.66 kaya pag-aralan natin ang race na ‘yan para makadale tayo.

Sa Race 1 kay Boom Tarat Tarat, (1) ako isama natin sina Belle Royale, (2) at St. Suswa habang kina Royal Chica, (2), Taranasakalyos, (7) at Magnum Forty Four, (4) ako sa Race 2.

Kursunada ko sina Clear Talk, (1), Jebel Ali, (4) at Sta. Monica, (9) sa Race 3. Pili tayo kina Great Connection, (3) at Nothing Fear sa pang-ibabaw natin sa Race 4.

Malaki ang tsansa ni Mr. Maklin,(1) na manalo sa Race 5, suportahan na lang natin ng Azarenka, (4) at Sharp return, (6) kung tataya tayo ng WTA.

Pili ko sa Race 6 sina Mount Pulag, (7) at Haring Bastos, (2). Sa Race 7, Show The Whip, (1) at Yes Kitty, (8) angat sa laban sila.

Dito sa Carry Over ng Super Six sa Race 8, anim na ang kukunin ko, subukan n’yong asintahin, ito’y sina Thy Will, (5), Avenue Shopper, (6), Jade Treasure, (7), magkakamping Superal, (2) at Ungkaw,(2A), Rafa, (1) at Strongmanzap, (10). Good Luck sana magtatama tayo at maging masaya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page