Search
  • BULGAR

BACK-TO-BACK C’SHIP, PAKAY NINA CHUA AT SY SA QUBICA BOWLING.


PIPILITIN nina Keneth Yu Chua at Marie Alexis Sy na maitala ang unang back-to-back na kampeonato pagkatapos ng mahabang panahon para sa Pilipinas sa pagsikad simula Nobyembre 4 ng prestihiyosong 54th Qubica AMF Bowling World Cup sa Sam’s Town Centre ng Las Vegas, Nevada.

Kina Chua, 26-anyos ng De La Salle, at Sy, 26 ng Centro Escolar University napunta ang karangalan at responsibilidad na iwagay­way ang tatlong kulay ng bansa sa malupit na kom­petisyon matapos nilang mangibabaw sa national qualifier. Parehong nakapag-uwi sila Chua (singles) at Sy (team of 4) ng silver medal mula sa 2017 Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) sa Ashgabat, Tukmenistan.

Makinang ang winning tradition ng bansa sa paligsahan. Sa kasaysayan, dalawang lalaki at tatlong babaeng pintopplers na mula sa Pilipinas ang mga naka­akyat na sa trono ng World Cup. Walong beses na sa ka­buuan ang naitalang tagum­pay. Apat sa walong pagka­ka­taong ito ay ginampanan ng alamat na si Rafael “Paeng” Nepomuceno na naghari noong 1976 (Teheran, Iran), 1980 (Jakarta, Indonesia), 1992 (Le Mans, France) at 1996 (Belfast, Northern Ireland).

Kasama rin sa elite roster sina Lita Dela Rosa na nagkampeon noong 1978 sa Bogota, Colombia; Bong Coo na nagreyna sa Bang­kok, Thailand noong 1979; CJ Suarez na naghari sa Tegu­cigalpa, Honduras noong 2003; at si Krizzia Lyn Tabo­ra na nagningning sa Her­mosillo, Mexico noong nakaraang taon.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.