ALVARADO, TINIGPAS SI PETALCORIN SA 7TH ROUND NG IBF WORLD LIGHT FLYWEIGHT

NAGING mas malakas si

ng Nicaragua, mabibigat ang mga ibinibigay na upak sa katawan at ulo ni Pinoy Randy Petalcorin kung saan ang estratehiya ng dayuhan ay hindi niya mapantayan.
Parehong patas ang mga suntukan na kanilang pinakakawalan sa bawat isa sa opening round pa lamang pero si Alvarado ang tila nakalalamang sa mga birada at lakas sa unang apat na rounds ng suntukan.
Aminado naman sa kabilang banda si Petalcorin na matagal nang sa sariling bansa lamang lumalaban na maling-mali ang kanyang ginagawang estratehiya laban sa mas malaking kasagupa.
Halatang magaganda ang mga plano ni Alvarado, sumisilip ng knockout at walang inaksayang sandali para mapabilib ang judges. Ang pagpaparusa ni Alvarado ay nagpatuloy sa mga sumunod na rounds sa katawan ni Petalcorin.
Kaya pagdating sa 7th round, tuluyan nang bumigay si Petalcorin, napaluhod na ito dahil sa rami ng mga bugbog na dumapo sa katawan niya habang nakasandal sa lubid.
Pagkatayo ay binira uli siya ni Alvarado at ilang beses pa uling bumagsak upang mapilitan na ang referee na ihinto ang laban sa 2:04 minuto ng naturang round.
Nasungkit ni Alvarado ang bakanteng IBF light flyweight title habang si Petalcorin ng Sanman gym ng General Santos City ay bumagsak sa 29-3-1, 22 Kos. Pinag-ibayo ni Alvarado ang kanyang fearsome record na 34-2, 30KOs. Ang dalawa niyang pagkatalo ay pawang mga world title fights mula kina WBA light flyweight champ Kazuto Iokie ng Japan at WBA flyweight title fight ka Juan Carlos Reveco ng Argentina.
Ang bakbakan ay idinaos sa Midas Casino and Hotel sa Pasay City. Ang televised undercards ay itinampok sina Gimiel Magramo na nakuha ang WBO Oriental flyweight title kontra kay Thai Petchcorchae Kokietgym habang si Dave Apolinario ay nagwagi kontra Joan Imperial. (MC)





Comments