Search
  • BULGAR

Airport, mga building, bahay at sasakyan wasak | HAGUPIT NI ‘ROSITA’


MARAMING bayan sa Isabela ang nakaranas ng matinding hagupit ng Bag­yong Rosita.

Ito ay makaraang tu­mama sa kalupaan ng Dina­pigue ang bagyo, alas-4:00 ng madaling-araw.

Ilang lugar ang nawalan ng supply ng kuryente mata­pos manalasa ng bagyo.

Hindi nakaligtas ang Cauayan City Domestic Air­port sa hagupit ng bagyo.

Ani City Disaster Risk Reduction Management Of­ficer Ronald Viloria, na­tang­gal ang kisame ng na­sabing paliparan at mayroon ding nabasag na salamin ng pin­tuan.

Wasak din ang ilang ka­bahayan at gusali.

May mga puno, poste at billboard na nagtumbahan, nagliparang mga bubong at bumigay na mga pader.

Makikita rin ang mga sasakyan na bumaligtad sa tindi ng hangin. (BRT)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.