‘Di napansin ng operator | 102 YRS. OLD NAGULUNGAN NG PISON, DEDO


DEDBOL ang isang 102-anyos na lalaki matapos magulungan ng pison sa national highway sa Hagonoy, Davao del Sur.
Kinilala ang biktima na si Jose Embudo, na sinasabing nagpapahinga sa harap ng roller ng pison nang maganap ang insidente.
Hindi umano namalayan ng operator ng heavy equipment na si Billy Domingo Fontanilla na may tao sa harapan ng pison.
Pinaandar nito ang pison para simulan ang road construction.
Sa pahayag ni Senior Superintendent Alan Manibog, agad naman umanong sumuko sa awtoridad si Fontanilla. (BRT)





Comments