Search
  • BULGAR

'Pag walang nanagot sa Customs, pagpuslit ng tone-toneladang shabu hindi matitigil, period!

PABLO L. HERNANDEZ III / PRANGKAHAN

HIRIT NI VP LENI, DA­PAT MAY MANA­GOT SA SHABU SMUGGLING SA CUSTOMS — Para kay VP Leni Robre­do, dapat may managot sa mga naganap na puslitan ng shabu sa Bureau of Customs.

Tumpak! Dapat tala­gang managot ang tropa nina ex-Commissioners Nicanor Faeldon at Isidro Lapeña sa mga naganap na shabu smuggling sa Bureau of Customs noong sila pa ang boss ng Adwana kasi kung walang mapananagot sa drug shipments, asahan nang hindi matitigil ang puslitan ng tone-toneladang shabu rito, period!

◘◘◘

MGA MILITAR ANG ‘NALUSUTAN’ NG SHA­BU TAPOS ANG CUSTOMS, GUSTO PANG ISAILALIM NI P-DU­TERTE SA MILITARY CONTROL — Nais ni P-Duterte na isailalim sa military control ang Bureau of Customs para raw matigil ang puslitan ng shabu sa Adwana.

Ganu’n? Hindi kaya mang­yari n’yan, lalong bu­maha ng shabu sa Pilipinas?

Eh, ‘yun kasing dala­wang “nalusutan” ng tone-tone­ladang shabu na sina Faeldon at Lapeña ay mga dating militar tapos ang gustong mangyari ni P-Duterte, lahat ng magiging tauhan ng Bureau of Customs ay militar, buwisit!

◘◘◘

KUNG MAY ADIK SA SHABU, MAY ADIK DIN SA LAWAY—Kung may mga adik sa shabu, may adik din sa laway. Ang adik sa laway ay ang pangulo ng Pilipinas.

Ang sabi kasi ni P-Du­ter­te, kapag maganda raw ang makahahalikan niya, kukunin daw niya ang la­way at ilalagay sa kanyang dila at saka niya ibabalik sa beautiful girl ang laway nito, kasama ang kanyang laway, gwarkkk!

◘◘◘

PARETIRONG NPD CHIEF LIM, ‘SINISIRA’ NI ‘MONMON’—Gina­ga­mit daw ni “Monmon” ang pangalan ni NPD Director, C/Supt. Gregorio Noto Lim para maging “untouchables” o wa­lang pulis na ma­kapangahas na manghuli sa pa-lotteng ni “Areza” sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navo­tas at Valen­zuela) area at pa-drop balls at color games ni “Baby” sa Gazak, Malabon City.

Kung walang kinalaman si C/Supt. Lim sa panggaga­mit ni “Monmon” sa kan­yang pangalan ay dapat ipa-"tok­hang” na niya ito kasi paretiro na siya sa serbisyo next month tapos sinisira pa nito ang kanyang pangalan sa pamamagitan ng pagbi­bigay-proteksiyon sa mga iligalista sa CAMANAVA area, period!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.