Search
  • BULGAR

Mga kandidato, tiyak tatambay sa sementeryo, epal pa more!

KA AMBO / BISTADO

MAY supertyphoon sa araw ng Undas.

Huh, dapat iligtas ang mga patay!

◘◘◘

MAAGA ang mga naulila ng mga natokhang sa mga sementeryo.

Kasi pagtsitsismisan ang kanilang nitso.

◘◘◘

NAUUSO ang de-bateryang kandila.

Hindi na uso ang tulo ng luha.

◘◘◘

TIYAK na maiiyak na si P-Digong sa pagdalaw sa puntod ng kanyang ama’t ina.

Hindi kasi aakalain ng mga yumao na nakarating sa Malacañang ang kanilang supling!

◘◘◘

MADALAW kaya ni Sen. Antonio Trillanes IV ang mga yumao niyang mahal sa buhay?

Kasi tiyak na maraming susubaybay sa kanya bukod sa mga kaluluwa sa paligid!

◘◘◘

MAPUPUNO ang mga sementeryo.

Tatatambay na kasi rito ang lahat ng nag-file ng CoC!

◘◘◘

PUWEDE nang “mangaluluwa” ang kabataan sa kalye.

Naubos na kasi ang mga adik sa lansangan, naging “kaluluwa” na silang lahat!

◘◘◘

HINDI pa naaprubahan ang P3 trilyong badyet sa 2019.

Nalulungkot ang mga kawatan sa pamahalaan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.