top of page
Pokwang.jpg

MARTES, REYNA, KENYAN KIPSANG CHAMP SA CLARK SUNSET MARATHON

A. Servinio
Oct 30, 2018
1 min read

ANGELES CITY – Dumagdag na naman ng isa pang karangalan ang beteranang mananakbong si

matapos magwagi sa 2nd edition ng Clark Sunset Marathon na nagtapos Sabado ng gabi sa Clark Parade Grounds. Tinahak ni Martes ang kakaibang 42.195-km karera na nagsimula bago lumubog ang araw at umikot sa loob ng dating base militar ng U.S. sa oras na 3:25:08.

Nakabawi siya mula sa mabagal na simula kung saan hindi siya nakahanay kasama ng mga kapwa elite runner sa harap ng starting line sa Clark Global City at naipit sa gitna kasama ang bulto ng mga kasali. Umarangkada agad ang nagbantayan na sina Cindy Lorenzo at Maricar Camacho pero tuluyang nahabol ni Martes ang dalawa upang maiuwi ang korona. Pumangalawa si Lorenzo sa oras na 3:30:57 at nasa malayong pangatlo si Camacho na umoras ng 3:39:15. Sa unang edisyon na ginanap noong Disyembre ng nakaraang taon, pangatlo lang si Martes sa likod ng dalawang mananakbo buhat sa Kenya. Ang Team Kenya ang naghari sa panig ng kalalakihan kung saan kampeon si David Kipsang (2:43:05) at sinundan siya ng kababayang si Joseph Mururi (2:57:13). Napunta kay Eugine Postrado ng Pilipinas ang ikatlong pwesto sa oras na 3:03:50.

Sa mga ibang distansya, panalo sina Raymond Torio (1:23:45) at Luisa Raterta (1:43:54) sa 21-km. Ang mga kampeon sa 10-km ay si Rambo Chicano ng National Triathlon Team (36:49) at Divine Grace Agura (55:05) habang wagi sa 5-km sina Raymart Songco (18:21) at Eunice Ulat (25:00).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page