Kelot nahulog mula 15th FLR., dedbol
PATAY isang construction worker nang mahulog mula sa ika-15 palapag ng gusali sa Maynila. Dead-on-arrival sa ospital si Allan Pagulayan Mamanao, 30.
Batay sa ulat nina SPO1 Jorlan Taluban at PO3 John Bucad, alas-3:40 ng hapon, lasama ng biktima ang isang Wilson Amar at inihahanda ang pag-jack-up ng tower crane sa ika-15 palapag ng gusali nang maganap ang pagkahulog nito.
Sinabihan umano ng biktima ang crane operator na hilahin pataas ang lifting crane para lumipat sa ibang palapag nang sumabit umano sa scaffolding. Agad namang sinabihan ng biktima ang crane operator na ihinto ang crane subalit, huli na.
Nakasabit na sa lifting chain ang scaffolding at nakita pang kinokontrol ng biktima ang pagbagsak ng scaffolding para hindi magdulot ng mas matinding aksidente pero hindi rin ito nakontrol kaya bumagsak ito kasama siya.





Comments