Search
  • BULGAR

Bilang ng mga krimen na sangkot ang kapulisan, nakababahala!

RYAN B. SISON / BOSES

NAKADIDISMAYA!

Totoong nakadidismaya ang mga nangyayaring krimen sa ating bansa da­hil kung ating babalikan, marami na ring insidente ang kinasangkutan ng ilan na­ting kapulisan.

‘Yung sila sana ang manghuhuli, sila pa ang hinuli at kinasuhan dahil sa pag­gawa nila ng katiwalian.

Mayroong pumatay, nanloko, sang­kot sa droga, lumabag sa karapatang-pantao, kasabwat ng mga sindikato, na­ngotong, sangkot sa kidnap-for-ransom, pangga­ga­hasa at marami pang iba.

Hindi ba, dapat sila ang pumoprotekta pero bakit sila pa ang gumagawa ng hindi maganda?

Kaya hindi rin natin masisisi ang ma­mamayan kung bakit nawawalan na sila ng tiwala sa kanila, lalo na at mukhang mas dumarami pa ang mga pulis na pa­saway kaysa sa mga matitino at may mabuting-asal.

Ang tanong, kailan kaya ito mahi­hinto? Kung kailan dinoble ang kanilang sahod ay saka pa sila naging pasaway.

Gayunman, hindi natin nilalahat ang kapulisan, ang sa atin lang ay sana ma­tuto at magbago na sila dahil hindi ma­ganda sa tuwing may kaso na silang ki­nasasangkutan.

Bukod kasi sa nakahihiya ito ay naka­sisira pa ng imahe ng Philippine National Police (PNP).

Samantala, ang hiling lang natin ay magampanan sana nila ang kanilang tungkulin para sa bayan, ibigay nila ang lahat ng kanilang makakaya nang sa gayun ay magkaroon na ng kaayusan ang bansa.

‘Yung kung ano ang dinoble ng ka­nilang sahod, gayundin sana ang pag­doble nila sa kanilang serbisyo at patuna­yan nila sa lahat na karapat-dapat silang magkaroon ng ranggo.

Gayundin, para sa mga matitigas talaga ang ulo, magsitino na kayo!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.