Babu kay Elmo, may Marlo at Marco na… JANELLA, PAPALIT-PALIT NG LALAKI, EBIDENSIYA LUMABAS


HINDI pa man nareresolba ang problemang pinagdaanan ni Janella Salvador at ng kanyang rumored ex-boyfriend na si Elmo Magalona, may kumalat na kaagad na litrato ng Kapamilya actress na may kasamang ‘bagong’ lalaki — ang young actor na si Marco Gumabao.
Makikita sa litrato ang sweetness ng dalawa dahil sobrang dikit ng kanilang katawan habang magkatabing nakaupo at nakapatong pa ang isang braso ng aktor sa dalawang braso ng dalaga.
Napag-alaman din na kuha ito sa bar sa BGC, Taguig kung saan nangyari ang diumano’y ‘bugbugan incident’ sa pagitan nina Janella at Elmo.
Dahil dito, hindi napigilan ng isang netizen na mag-comment sa kumalat na litrato. Sabi ni @babaje2: “Date to marry… too many” #collect and select #MarcNella #theoneandonly
Kung matatandaan, nagbitiw noon si Janella ng mga katagang, “I believe only in dating for marriage.” Pero, taliwas ito sa nakikita ng mga netizens na iba’t ibang lalaki ang nakakasama niya kahit hindi pa tapos ang isyu nila ni Elmo.
Katatapos lang kasing pag-usapan ang pagge-guest niya sa concert ng dating ka-love team na si Marlo Mortel, ngayon ay si Marco naman ang kasama niya.
Pero, kung titingnan ang Instagram ni Janella, nandu’n pa rin ang mga litrato nila ni Elmo at hindi pa niya ito dini-delete.
Well, si Marco Gumabao kaya ang dahilan ng bugbugan incident o siya na ang bagong nagpapatibok sa puso ng dalaga?





Comments