Search
  • Maeng Santos

3 tiklo sa P54 milyong shabu

TINATAYANG nasa P54.4 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa tatlong hinihinalang pushers sa Ca­loocan City.

Kinilala ni NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar ang mga suspek na sina Nasrudin Mantikayan alyas Buts, Ibrahim Hassan at Ampal Pala.

Alas-10:30 ng umaga nang isagawa ng RDEU-NCRPO, Caloocan City Po­lice at Northern Police Dis­trict sa koordinasyon sa PDEA-NCR ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa parking lot ng Vic­tory Mall, 12th Ave., Grace Park, Caloocan City.

Nagawang makapag­transaksiyon ng undercover agent na nagpanggap na poseur-buyer ng dalawang malalaking plastic packs ng shabu sa mga suspek.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.