Search
  • Mylene Alfonso

Sa maganda lang daw hahalik | AYOKO SA PANGIT — DIGONG


HINAMON ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang publiko na ‘duraan’ siya sa kanyang mukha sakaling may mga iregularidad sa kanyang bank account.

Dahil dito, nanindigan si P-Duterte na wala siyang itinatagong yaman, taliwas sa akusasyon ni Sen. Anto­nio Trillanes IV.

“Ang suweldo ko P207,000. Mga iba d’yan, milyun-milyon. Ako ‘yan lang, halungkatin mo na lahat. And it’s deposited in the Landbank,” ani Duterte.

“At kung meron kang makita na which is contrary to what I’m saying. I’ll give you that right, you can spit on my face. That is my guarantee. Bastusin mo na ako,” dagdag pa ng pangulo.

Matatandaang, noong Agosto nang nangako ang presidente na bubuksan ang kanyang bank accounts para masuri, sa kabila na rin ng mga paratang na mayroon siyang tagong-yaman.

Samantala, binanatan din ng pangulo ang mga bu­ma­batikos sa kanya sa umano’y pagiging misogynist o anti-women nito.

“Pero ‘pag babae ka na maganda at dinuraan mo ako, ‘yung laway mo kunin ko, ilagay ko… magagalit na naman ‘yang mga babae sa Maynila. Ano daw ako, misogynist,” ani Duterte.

“Baka ‘di niyo naaalala, I’m the only president — when I was a mayor I was a hostage victim… Hindi niyo lang alam mga loka-loka kasi mga pangit kayo. Ipin niyo malalaki,” saad ng pa­ngulo.

“‘Di ako maghalik sa‘yo, pero ‘pag ang babae maghalik kunin ang laway, lagay ko sa dila ko, lapitan ko, sabihin ko, isauli ko sa’yo ang laway mo, dag­dagan ko ng akin dahil ma­ganda ka,” dagdag pa ng Chief Execu­tive.

Matatandaang, ilang be­ses na rin nakatikim ng bati­kos ang pangulo mula sa wo­men’s rights group dahil umano sa kanyang miso­gynistic comments.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.