top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pahiwatig na kulang sa sustansiya ang katawan

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 29, 2018
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Dianne ng Dianne@facebook.com

Dear Professor,

Gusto kong malaman ang ibig sabihin ng pana­ginip ko. Nanaginip ako na marami raw bunga ang 5 hanggang 6 na puno na may iba’t ibang prutas, sobrang malalaki at mukhang masasarap.

Kaya ang sabi ko gusto ko nu’n, hihingi ako nu’n sa may-ari kahit tig-isang piraso lang bawat klase ng prutas. Nakakuha naman ako. Ano ang ibig sabihin nito?

Maraming salamat!

Naghihintay,

Dianne

Sa iyo Dianne,

Ang sabi ng panaginip mo, kumain ka raw ng prutas. Dahil ayon sa iyong panaginip, kulang ka sa mga sustansiya na mula sa mga prutas. Makinig ka sa iyong panaginip dahil ito ay nagbababala na puwedeng-pu­wede kang magkasakit.

Ang sabi sa kasabihan, “an apple a day keeps the doctor away”, pero mas masustansiya ang saging kaya kumain ka rin nito, maging ang ubas, bayabas at peras ay inirere­komenda rin.

Minsan, ang katwiran ng mga hindi mahilig kumain ng mga prutas ay ang wala silang panlasa kaya iniisnab nila ang prutas sa mesa. May solusyon ba sa ganitong kaisipan?

Oo, meron kung saan sa ganitong mga paraan muling babalik ang iyong panlasa at hindi lang mga prutas ang puwede mong kainin.

Kumain ka muna ng maaasim na mga prutas. Oo, iha, maaasim tulad ng mangga, dalandan, kalamansi at suha. Dahil sa pagkain ng maaasim, lumilinis ang dila, bibig at lalamunan kung saan mas ginaganahang ku­main ang tao.

Kapag hindi mo gusto ang lasa ng isang prutas, maaasim din ang kailangan mong kainin dahil ang asim ay nakapagbibigay ng sigla.

Kaya maaasim at matatamis na prutas ang dapat mong kainin ngayon upang bumuti ang iyong pakiram­dam.

Palitan mo rin ang kasabihan ng “ a fruit each day makes you healthy and strong”.

At huwag mong isnabin ang iyong panaginip dahil ang mga ito ay hindi nagsisinungaling, kumbaga, tao lang naman ang may kakayahang magsinungaling.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page