Search
  • BULGAR

Pag-promote ng iba pang lugar sa bansa, gawin!

NANCY BINAY / SERBISYONG TUNAY

BINUKSAN na muli ang Isla ng Boracay sa turismo kaya panahon nang pagtuunan naman natin ang pangangalaga sa iba pa nating tourist destinations.

Nabanggit ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat na mukhang may problema rin tayo sa El Nido, sa Panglao at iba pang tourist destinations.

Isa sa mga maaaring susunod na hakbang tungo sa pag-rehabilitate sa ibang mga lugar na ito ang pagtatakda ng budget para alamin ang kanilang carrying capacity. Ito ay upang malaman natin kung alin ang mga dapat unahin sa listahan.

Nakalulungkot na marami tayong destinations ngunit, hindi natin alam ‘yung carrying capacity but we are already promoting and developing it without knowing, ano ba talaga ‘yung kakayahan nito? Habang ang mga hindi masyadong popular ay lalong nababaon sa limot.

Magandang mabigyan ng assistance ang mga 4th at 5th class municipality dahil ito ‘yung talagang walang pondo for their tourism masterplan. Napakaganda ng Pilipinas at hindi lamang ang iilang popular na tourist destinations na kilala na.

Napakaraming isla ang nagtataglay ng gandang hindi pa nakikita ng marami sa ating mga kababayan. Magandang mai-promote rin sila tulad ng pagpapakilala natin sa mga kilala nang lugar sa ating bansa.

Kaakibat ng promotion sa mga hindi pa gaanong napupuntahang mga destinasyon sa ating bansa, dapat din nating palakasin ang pag-promote sa responsible tourism. Alagaan natin ang sariling atin, it’s the only one we’ve got.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.