Search
  • BULGAR

Onli in da Pilipins, 2 opisyal na dawit sa shabu smuggling, pangulo ang spokesperson

PABLO L. HERNANDEZ III / PRANGKAHAN

FEELING NI P-DUTERTE, HINDI SIYA CORRUPT—Ipinagtanggol ni P-Duterte sina ex-Bureau of Customs Commissioners Nicanor Faeldon at Isidro Lapeña sa isyung pagkakasangkot ng mga ito sa drug smuggling na ayon sa pangulo ay hindi raw korup ang dalawang ito dahil kung korup daw sina Faeldon at Lapeña ay hindi raw niya kukunin o ipupuwesto ang mga ito sa kanyang gobyerno.

Hanep, ah, kung magsalita si P-Duterte, feeling niya hindi siya korup pero, pagdating sa hamong sign the waiver ni Sen. Antonio Trillanes IV para malaman ang laman ng kanyang mga bank account, eh, atras ang pangulo, boom!

◘◘◘

PARANG WALA SA WASTONG PAG-IISIP SI P-DUTERTE KAPAG NAGSALITA SA PUBLIKO—Pinutakti ng batikos ng publiko, lalo na ng kababaihan si P-Duterte sa sinabi nito na never daw siyang magpapahalik sa mga babaeng pangit, lalo na iyong may mga malalaking ngipin, pero kapag maganda raw ay kukunin ang laway, ilalagay sa dila niya at ibabalik sa beautiful girl ang laway nito na kasama ang kanyang laway.

Hay, naku! Kaya nakapagbigay ng komento noon si dating UN-Human Rights Chief Zeid Raad Al Hussein na dapat na raw ipa-psycho test si P-Duterte dahil kadalasan parang wala ito sa wastong isip kapag nagsalita sa harap ng publiko, pwe!

◘◘◘

PRESIDENTENG ‘SPOKESMAN’ NG 2 EX-CUSTOMS HEAD NA SUMABIT SA SHABU SMUGGLING—Ayon kay P-Duterte, wala raw kinalaman sa drug syndicate kundi nalusutan lang daw talaga ng shabu sina Faeldon at Lapeña.

Ganu’n? Siguro kung isang beses lang nalusutan, puwede pang masa­bing nalusutan nga, pero P6.4-B halaga ng shabu ang pumasok sa bansa noong panahon ni Faeldon sa Customs at P11-B halaga ng shabu ang pumasok sa bansa ngayong panahon ni Lapeña sa Bureau of Customs, tapos, sabi ni P-Duterte, nalu­sutan lang?

Onli in da Pilipins lang ‘yan na ang pangulo ay mistulang spokesman ng dalawang ex-Customs officials na sumabit sa shabu smuggling, buwisit!

◘◘◘

MGA KUBRADOR SA PA-JUETENG NI ‘RYAN’ SA QC, MGA DRUG PUSHER—Ilan daw sa kubrador sa pa-jueteng ni “Ryan” sa Quezon City ay mga nagbebenta rin daw ng shabu.

Aba, dapat aksiyunan na agad ‘yan nina Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista at QCPD Director Joselito Esquivel, Jr. bago pa lumala ang jueteng at drug addiction sa QC, period!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.