- BULGAR
MANILA AT CEBU, PETMALU NA TEAM SA MPBL DATU CUP

NATAKASAN ng Manila ang malupit na Zamboanga team habang nanatiling matatag ang Cebu para talunin ang Marikina sa dalawang pares na laro na idinaos sa MPBL Datu Cup noong Sabado ng gabi sa Vitaliano Agan Coliseum sa Zamboanga.
Bagamat malakas ang Tsabakanos Family Brand Sardines na humabol pa sa simula, kinapos pa rin sila sa Manila Stars-Robust Energy Drink na sumalvaged ng 60-59 sa main game.
Pinangunahan ni Reil Cervantes ang Stars na may 21 puntos kabilang na ang pag-clutch ng three-point basket upang maiwasan pa ang rally ng Valientes tungo sa ika-10 panalo sa 12 laro.
Ang panalo ng Manila ang naglagay sa kanila ng solidong posisyon sa pahirapang labanan sa northern division ng torneo. Sumalo ang Stars sa San Juan Knights-Go-For-Gold sa ikalawang standings.
Maagang lumamang ang Stars sa 15-point bagamat nakakaalagwa ang Valientes sa solidong laro ng mga datihan nang players na sina Reed Juntilla at Jonathan Parreno na bumalikat sa laban ng host team.
Hindi tulad ng Zamboanga, napalawig ng Cebu ang kontensiyon sa bisa ng tikas ni Patrick Cabahug, ang Sharks’ main man sa opensa, ang bumanat sa krusyal na basket at bitbitin ang team sa 78-74 na panalo kontra Marikina Shoemasters. Ikalimang sunod na talo na ang natamo ng Marikina at lagpak sa 4-5 card. (MC)