top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

LEE, TIGRENG NANLAPA SA RED WARRIORS PARA SA UST

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 29, 2018
1 min read

TILA naglalagablab sa init ang mga kamay ng beteranong guard na si Marvin Lee nang pamunuan nito ang University of Santo Tomas Growling Tigers sa kanilang 79-68 panalo kahapon kontra University of the East Red Warrios sa pagpapatuloy ng second round ng UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Ipinoste ng fourth-year playmaker ang 22 sa kanyang career-best 30 puntos sa unang dalawang quarters upang maagang makuha ng Tigers ang kontrol ng laro.

Mula roon, nag-takeover na ang rookie na si CJ Cansino upang tiyakin ang panalo. Si Cansino ang naging unang rookie na nakapagtala ng triple double sa liga mula noong 2003 makaraang magposte ng 20 puntos, 14 rebounds at 10 assists sa kabila ng iniindang sprain sa kanyang kanang paa.

Pumukol naman si Lee ng walong triple, lima rito ay ginawa niya sa second quarter kung saan rumatsada ang Tigers ng 16-2 blast upang bumalikwas mula sa 23-29 na pagkakaiwan at itayo ang 39-31 na kalamangan.

Dahil sa ipinakitang performance nina Lee at Cansino, napunan nila ang pagkawala ng starting point guard na si Renzo Subido na may iniinda ring injury.

Bunga naman ng panalo, umangat ang Tigers sa ika-4 na puwesto hawak ang patas na markang 5-5, panalo-talo kapantay ng University of the Philippines.(VA)

Mga laro sa Sabado: Ynares Sports Center-Antipolo: 2 pm La Salle vs. UST: 4 pm NU vs. UP

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page