Search
  • BULGAR

BRANDON VERA SA HEAVYWEIGHT AT FOLAYANG SA ONE CONQUEST OF CHAMP


IPAGTATANGGOL sa main event ng ONE: Conquest of Champions sa Biyernes, Nob. 23 sa Mall of Asia Arena ni Reig­ning ONE Heavyweight World Champion Bran­don “The Truth” Vera ang kan­yang titulo kontra challenger Mauro “The Hammer” Ce­rilli ng Italy.

Habang sa co-main event ay lalarga si dating lightweight titleholder Edu­ard “Landslide” Fola­yang kontra top conten­der Amir Khan ng Singa­pore para sa bakanteng ONE Lightweight World Championship.

Si Fil-Am Brandon “The Truth” Vera ay isang mixed martial arts vete­ran na may 15-7 karta at 1 NC profes­sional record.

Pumasok siya sa ONE Championship noong 2014 matapos ang mga laban niya sa loob ng isang dekada bilang isa sa world’s best martial arts talents.

Malupit na striker na ki­lala sa kanyang nakatu­tu­lig na mga sipa at well-rounded skills.

Nasungkit ni Vera ang ONE Heavyweight World Championship sa bisa ng nakagugulat na knockout victory kontra Paul Cheng noong Disyembre 2015.

Sa huli niyang laban, di­nomina ni Vera ang Ja­panese challenger na si Hideki “Shrek” Sekine upang mag­wagi sa tech­ni­cal knockout sa unang round, matagum­pay na nadepensahan ang kan­yang titulo.

Nagbalik siya para de­pensahan ang ONE Heavy­­­weight World Champion­ship kontra Mauro Cerilli.

Si “The Hammer” Ce­rilli ay tinalo si Karl Moore ng Ire­land sa loob lang ng 15 se­gundo.

Sa iba pang laban, si dating lightweight title­ol­der Eduard “Landslide” Folayang ng Baguio City ay babanat kontra kay Amir Khan para sa One Light­weight World Cham­pion­ship. (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.