- Levi Gonzales
Alahero niratrat, utas
PATAY ang isang negosyanteng alahero matapos barilin ng hindi pa nakikilalang armadong lalaki sa Bgy. 6, Lucena City, Quezon.
Batay sa ulat, alas-11:30 ng gabi, hinihintay ng biktimang si Gerome Cadiz, 31, ng Bgy.7, ang kanyang misis nang biglang sumulpot ang suspek.
Agad siyang pinagbabaril saka tumakas.
Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng cal. 45, habang patuloy ang imbestigasyon ng Lucena City Police sa insidente.
0 comments