Search
  • BULGAR

After ni JK, Daryl Ong, todo-sawsaw, niresbakan… HIRIT NG PADIR NI DARREN: PAGIGING BAKLA, 'DI D

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

KUNG si JK Labajo ang puntirya ng tatay ni Darren Espanto sa Twitter nu’ng nakaraan, ngayon, si Daryl Ong naman.

Nag-post ng napakahabang mensahe ang tatay ni Darren na si Lyndon “Don” Espanto sa kanyang IG account patungkol sa comment ni Daryl sa pagiging open ng mga artista sa kanilang totoong kasarian dahil aniya, talent naman ang kanilang ibinebenta at hindi ang kanilang gender.

Sinabi ng tatay ni Darren na inirerespeto niya ang opinyon ni Daryl, pero hindi siya sumasang-ayon dito at ituturing daw niya ito bilang isang “nonsensical message”.

Nakikisawsaw lang daw si Daryl para makakuha ng aten­siyon sa publiko dahil wala na­man itong alam sa issue.

Ani Don, “I hate to believe that you are just meddling on this issue to get some attention just like everyone else but it seems like it. Obviously, you know NOTHING about this issue and its history.”

Hindi na siguro nakapag­timpi si Mr. Espanto sa comment ni Daryl na, “‘Di ko kasi talaga gets bakit hanggang ngayon na 2018 na, may mga public figure pa rin na nagpa­panggap maging lalake, tapos ‘pag na-issue, papalag-palag.”

Kung matatandaan, nag-umpisa ang hidwaan nina JK Labajo at Darren nang pumalag ang huli sa tweet daw ng una na: “Gayness at its finest.”

Paliwanag pa ng tatay ni Darren, hindi dapat mag­tago kung sino ka talaga, pero paano naman daw kung ‘allegations’ lang ang lahat kay Darren? Dahil ito rin ang unang beses na pumalag at nagsalita ang singer sa isyu ng diumano’y pagiging bakla nito.

Dagdag pa niya, huwag daw ikumpara ni Daryl ang sarili kay Darren dahil 17 years old pa lang ito.

Ani Don, “DO NOT compare yourself to a 17 y/o not unless wala kang pinagkatandaan.”

Sa huli, tinapos ito ni Don sa pagsasabing, “Hope you don’t find this post offensive, nagpapaka-tatay lang.”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.