Search
  • Maeng Santos

Tulak dedbol sa pulis

ISANG hinihinalang drug pusher ang namatay ma­tapos mauwi sa barilan ang isinagawang buy-bust ope­ration sa Valenzuela City, kamakalawa nang gabi.

Kinilala ni Valenzuela Police Chief Sr. Supt. David Nicolas Poklay ang nasawing suspek na si Alvin Pangan, 36, na kabilang umano sa barangay at police drug watchlist.

Alas-6:30 ng gabi nang isagawa ng PCP-4 at SDEU ang buy-bust operation sa pangunguna ni Chief Insp. Jowilouie Bilario kontra kay Pangan sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Malinta.

Matapos iabot ni Pa­ngan ang isang sachet ng shabu sa police na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P500 marked money, agad nagbigay ng signal ang pulis sa kanyang mga kasamahan.

Nakatunog si Pangan at bumunot ito ng baril at pina­putukan ang mga operatiba na naging dahilan upang mauwi sa barilan hanggang sa tamaan sa katawan ang suspek kaya mabilis itong isinugod sa Valenzuela Me­dical Center subalit, hindi na rin ito umabot ng buhay.

Narekober ng pulisya sa crime scene ang isang cal. 38 revolver na kargado ng 2 fired bullets at 3 bala ha­bang nakuha naman sa na­sawi ang marked money, apat na plas­tic sachets ng hinihinalang shabu at drug parapher­nalias.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.