Search
  • BULGAR

Tone-toneladang shabu, nakalulusot sa Customs pero, walang nahuhuling drug lord, buwisit!

KA AMBO / BISTADO

NANG masibak si dating Customs Chief Nicanor Faeldon ay dahil sa nakalusot ang P6.8 bilyon shabu sa port area.

Nang masibak si ex-Customs Chief Isidro Lapeña ay dahil sa nakalusot ang P11 bilyong shabu.

Kasama sa iskema ng drug traffickers ay masibak ang Customs chief at pagpasok ng higit na malaking bulto ng shabu.

◘◘◘

NAKAUPO ngayon ang bagong hepe ng Adwana na si dating AFP Chief Leonardo Rey Guerrero.

‘Pag nasibak siya next year, ilang toneladang shabu kaya ang makapapasok?

◘◘◘

SA gitna ng sunud-sunod na pagpasok ng tone-toneladang shabu sa Bureau of Customs, walang itinuturong drug lords na um-order nito.

Sa isang ulat, tinukoy na ang umangkat ng shabu ay ang mismong PNP official na isinasangkot.

Ano ang ibig sabihin nito?

Ibig sabihin, sa bawat panahon at sa ibang pagkakataon, iba-iba ring tao sa gobyerno ang o-order o mismong aangkat ng shabu!

◘◘◘

MALINAW ngayon na walang drug lord, ang bawat opisyal ng gobyerno ay may kani-kanyang role mula sa pag-import hanggang sa distribution.

Nasaan ang ISAFP, NICA, NBI, CIDG at Presidential Security Group na dapat nagsasagawa ng intel job?

Walang silbi!

◘◘◘

ISA nang national security concern ang illegal drugs.

Kung ang droga ay isang national security concern, maaari itong gamiting katwiran para sa deklarasyon ng State of Emergency o Martial Law.

◘◘◘

BAGO gamitin ‘yan ng Malacañang, dapat i-validate ng ISAFP ang mga ebidensiya na napasok ng drug traffickers ang lahat ng antas ng pamahalaan.

Mahalagang mag-report ang ISAFP kay P-Digong dahil ito lamang ang ahensiya na maaaring pagkatiwalaan para sa ikatatatag ng Republika ng Pilipinas.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.