Search
  • BULGAR

Pagtulong ng pamilya Villar sa kandidato, kapalit negosyo?!

PABLO L. HERNANDEZ III / PRANGKAHAN

GALIT DAW SILA SA KORUP AT HATE NI P-DUTERTE ANG DRUGS, PERO TONE-TONELA­DANG SHABU, PASOK SA ‘PINAS — "Walang lugar ang kurakot”, ‘yan ang binitiwang salita ni incoming Bureau of Customs Commissioner Leonardo Rey Guerrero.

‘Sus, panis na ang ganyang statement kasi ganyan din ang sinabi noon nina ex-Customs Commissioner Nicanor Faeldon at outgoing Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña na kesyo bawal na raw ang korup sa Adwana.

Ang mga statement nilang ‘yan na galit sila sa korup ay matagal nang napanood ng publiko at katunayan ay may kadobol pa ito, ang bukambibig ni P-Duterte na “I hate drugs”.

Galit daw sila sa korup at hate pa ni P-Duterte ang drugs, pero ang pumapasok na shabu sa bansa, tone-tonelada, mga buwisit!

◘◘◘

TULONG NA CAMPAIGN FUND NG PAMILYA VILLAR KAY P-DUTERTE, MAY KAPALIT PALANG NEGOSYO—Nang aminin noon ni P-Duterte na tinulungan daw siya ng Pamilya Villar sa kanyang mga campaign political TV ad noong presidential election, sinabi ni ex-Sen. Manny Villar na wala raw siyang interes sa mga proyekto ng gobyerno.

Siyanga pala, nilagdaan na raw ni P-Duterte noong Oct. 18, 2018 ang batas na nagbibigay ng prangkisa sa Streamtech Company ng Pamilya Villar para pangasiwaan ang telecommunication system sa buong bansa sa loob ng 25-taon.

Next time, ex-Sen. Villar, huwag magsasalita nang tapos para hindi kayo napupulaan ng publiko na ang pagtulong ninyo sa kandidato ay may kapalit na negosyo, period!

◘◘◘

KUNG GOOD ANG SERBISYO NG TELCOS NG PAMILYA VILLAR, OK ‘YAN, PERO KUNG PALPAK DIN, BAD ‘YAN—Kung maganda ang hatid na serbisyo sa publiko ng telecommunication company ng Pamilya Villar, aba, good ‘yan.

Pero, kung palpak din tulad ng ibang telcos tapos puwersahan pang maningil, aba, bad ‘yan, boom!

◘◘◘

MGA MANANAYA SA DROP BALLS AT COLOR GAMES NI ‘EGAY’ BAKA NAGSISIPAG-SHABU—Wala raw tulugan ang mga mananaya sa drop balls at color games ni “Egay” sa Bgy. Salinas, Rosario at Bgy. San Francisco, Gen. Trias, kapwa sa Cavite.

Ganu’n? Aba, dapat ipa-raid ni Cavite PNP Director Sr. Supt. William Segun ang mga puwesto ng drop balls at color games ni “Egay” kasi kung walang tulugan ang mga mananaya r'yan, baka nagsisipag-shabu ang mga ‘yan, period!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.