Search
  • BULGAR

Mga kawatan, ‘di nagpasapaw sa pagbabalik ng Boracay

KASABAY ng pagbabalik ng Boracay Island, may mga pasaway na ayaw pasapaw.

Sa kasagsagan ng selebrasyon sa isla, may dayu­han na nagreklamo na nanakawan.

Ayon sa isang Italian national, kasama umano niya ang kanyang kasintahan at kasalukuyan silang nasa labas ng kanilang hotel nang mabiktima ng mga kawatan.

Tinangay ang kanilang mga wallet na naglalaman ng P15, 000 cash, credit cards at $60.

Agad namang sinilip ang CCTV footage kung saan nakita ang tatlong lalaki at isang babae na maituturing na mga suspek sa pagnana­kaw.

Nagpakalat na umano ng dagdag na tao ang pulisya sa paligid ng hotel na tinutuluyan ng mga biktima sa pag-asang mahuhuli ang mga ito.

Nauna nang sinabi ng mga awtoridad na sila ay naka-full alert sa pagbubukas ng Boracay para sa mga turista, sadyang may mga tao talagang kahihiyan ng bayan.

Isinalba at nilinis ang isla mula sa masamang imahe dulot ng kapabayaan sa kalikasan pero, heto at may mga naiwan o naka­puslit na ‘basura’.

Dapat sa kanila ay turuan ng leksiyon nang hindi pamarisan.

Nariyan ang magandang lugar na puwedeng pagkunan ng ka­buhayan, ‘wag naman nating abusuhin o gamitin sa kawalang­hiyaan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.