Search
  • BULGAR

DURANT, ‘DI NAGPAHULI SA 41 PTS. CLIPPERS, DINETONATE ANG ROCKETS


HINDI pinaporma ng defending champion na Golden State Warriors ang New York Knicks sa bisa ng 128-100 para sa pang-limang panalo na itinala ng Warriors sa anim na laro, samantalang limang talo na ang dinaranas ng Knicks.

Hindi nagpahuli sa kanyang tikas si All-Star forward Kevin Durant para patunayan na kaya pa niyang bitbitin ang laro sa itinala niyang 41 puntos kasama na ang 25 sa fourth quarter na kala­mangan sa harap ng jampacked crowd 19,812 sa Madison Square Garden.

Nang-iwan pa ang Warriors ng 47-16 na iskor sa fourth quarter. Ang big game ni Durant ay kasunod nang nakakabilib ding laro ni Stephen Curry na 51 points sa loob ng three quarters sa panalo nila kontra Washington Wizards.

‘Spectacular’ para kay coach Steve Kerr ang performance ni Du­rant kung sa­an pumoste si Durant ng 17-for-24 sa field. Nakatipon ng 9 rebounds at 5 assists sa all-around game.

Dati nang ninais ng Knicks na kunin ang serbisyo ni Durant. Bumida sa New York si Tim Hardaway Jr. sa bisa ng 24 points. Samantala, darayo ang Warriors sa Brooklyn sa kanilang magiging laro sa Lunes.

Sa iba pang laro, umiskor si Montrezl Harrell ng career-high 30 points, nag-ambag si Lou Williams ng 23 nang kaldagin ng bumibisitang Los Angeles Clippers sa 133-113 win ang Houston Rockets.

Sinamantala ng Clippers ang pagpapalakas sa opensa at depensa dahil na rin sa hindi naglalaro sa Rockets sina James Harden at James Ennis na wala pa ring panalo. (MC / ATD)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.