Search
  • BULGAR

'Di maidepensa ng mismong pamilya… ELMO, TAMEME PA RIN SA PAMBUBUGBOG KAY JANELLA

Janice DS Navida / SHOWBIZ SPECIAL

HINIHINTAY pa rin ngayon ng marami ang sagot at depensa ni Elmo Magalona at ng pamilya niya sa tell-all interview ni Janella Salvador kung saan ibinulgar nga ng aktres na not once but twice siyang sinaktan ng anak ni Francis Magalona (SLN) nu’ng magkasama pa sila.

But as we checked his Instagram account, pati ang IG account ng mga kapatid ni Elmo, walang direktang depensa ang mga ito sa aktor.

Tanging ang IG post lang ng ate ni Elmo na si Maxene na “Be gentle with yourself you’re doing the best you can,” ang nakita namin kung saan nag-comment ang mga followers ng aktres at nagpahayag ng suporta para kay Elmo.

Tanong naman ng ilang showbiz observers, ano na ang mangyayari ngayon sa career ni Elmo pagkatapos ng ibinulgar ni Janella?

Bibigyan pa rin daw kaya ito ng mga shows sa ABS-CBN kahit nega ang image niya dahil sa mga sinabi ni Janella?

Well, let’s wait and see dahil wala pa ngang gustong magsalita from Elmo’s camp.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.