Search
  • BULGAR

Babala sa mahilig kumain ng maaanghang!

SHANE M. LUDOVICE, M.D / SABI NI DOC

Dear Doc. Shane,

Nais kong malaman kung ano ang pina­kama­bisang gamot para sa basang kilikili? Palagi kasing pawisan ang kilikili ko kahit katatapos ko lang ma­ligo pero, walang ma­bahong amoy. Na­hihiya lang akong magsuot ng ibang kulay dahil nakikita ng mga tao na basa ang aking kilikili. Sana ay mabigyan ninyo ako ng solusyon. —Eugene

Sagot

Ang pagpapawis o pagbabasa ng kilikili ay kondisyon na nararanasan ng maraming tao, ang tawag dito ay hyperhidrosis.

Narito ang mga maaaring makatulong:

  • Gumamit ng antiperspirant na deodorant — ito ang pinakasimpleng solu­tion. Maaari itong gamitin sa araw at gabi, tiyaking lamang na tuyo ang balat bago ito i-spray o i-apply.

  • Iwasan ang init at maaanghang na pagkain — ito ay nakapagdudulot ng labis na pagpapawis sa bahaging ito ng katawan.

  • Magsuot ng malu­wang na damit — tulad ng cotton na tela. Tan­daan din na naha­halata ang pawis sa mga ma­kulay na damit kaya piliin ang puti.

  • Bukod sa paggamit ng antiperspirant — maa­aring subukan ang pagpahid ng baking soda na hinaluan ng konting tubig sa kilikili. Ipahid dito ang mixture at panatilihin ito sa loob ng 20 minuto bago banlawan. Maaari itong makatulong dahil pinabibilis nito ang ‘evaporation’ o pagkatuyo ng pawis.

Kapag ang mga na­banggit ay hindi pa rin tumalab, makabubuti kung magpatingin na sa dermatologist na maaaring magreseta ng malakas na antiperspirant at iba pang maaaring lunas para sa sobrang pamamawis ng kilikili tulad ng “botox treatment” at iba pa.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.