Search
  • BULGAR

Babala ng PCG sa mga kolorum, “wala kayong ligtas ngayong Undas!”

RYAN B. SISON / BOSES

KASABAY ng paghahanda sa nalalapit na Undas, muling nagbabala ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pasahero laban sa mga kolorum na sasakyan.

Sa ngayon kasi ay hindi pa rin na­dadala at tumitigil sa pag-arangkada ang mga kolorum, lalo na ngayong abala ang lahat sa nalalapit na Undas at kapaskuhan.

Gayunman, ayon kay PCG Spokes­person Captain Armand Balilo, ma­ayos na umano ang kanilang kampanya kontra rito kung saan lalong naghigpit ang ahensiya sa paghuli sa kanila nang sa gayun ay maubos na ang mga pa­saway sa kalsada na gumagawa ng iligal basta kumita lang ng pera.

Gayundin, ang paalala ng mga opis­yal sa mga pasahero, upang masiguro ang kaligtasan at makaiwas sa mga aksidente tayo na mismo ang tumanggi at huwag ng tangkilikin ang pagsakay sa mga pampasaherong sasakyan na hindi rehistrado.

Kung iisipin kasi nating mabuti, sa pagsakay natin sa kanila, parang lalo lang natin silang kinukunsinti na mag­parami, bagama’t, kung walang sasa­kay sa kanila, paniguradong hihinto na sila sa pamamasada.

Samantala, ang panawagan natin sa gobyerno, magbigay ng tulong at ma­kiisa laban sa mga kolorum na nagli­pana sa kalsada upang matuldukan na ang iba’t ibang klase ng krimen sa ating bansa.

Huwag nating hayaang habang tu­matagal ay lalo silang dumarami at nagiging malaya!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.