- BULGAR
Ayon sa PSA | GASTOS NG MGA PINOY SA KALUSUGAN, TUMAAS

PATULOY ang pagtaas na ginagastos ng mga Pilipino para sa kalusugan.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas nang 8.8 porsiyento ang tinatawag na out-of-pocket (OOP) health expenses noong 2017 sa halagang P372.8 bilyon.
Lumilitaw na ito ay 54.5 porsiyento ng Current Health Expenditures (CHE) noong nakaraang taon.
Kabilang sa mga out-of-pocket expenses ay sa gamot, food supplements, medical products, therapeutic appliances, outpatient medical care, dental care, diagnostic services at hospital care.
Idinagdag pa ng PSA na P186.6 bilyon sa nabanggit na halaga ay ginastos sa mga botika, P97.5 bilyon sa mga pribadong ospital at P50.3 bilyon sa ambulatory health care.
Samantala, ang kabuuang gastos para sa kalusugan noong nakaraang taon ay P712.3 bilyon, mataas ng walong porsiyento sa naitalang P659.3 bilyon noong 2016. (BRT)