Search
  • BULGAR

ATENEO BLUE EAGLES, UNANG SUMAMPA SA FINAL 4 SLOT


PORMAL na inangkin ng defending champion Ateneo de Manila ang unang Final Four slot makaraang muling igupo ang season host National University, 79-64 kahapon sa pagpapatuloy ng second round ng UAAP Season 81 Men’s Basketball Tournament sa Araneta Coliseum.

Ang panalo, ang ika-apat na sunod ng Blue Eagles na nag-akyat sa kanila sa 9-2, panalo-talong kartada at nagsulong sa kanila sa Final Four sa ika-4 na sunod na taon at ikatlo sa ilalim ni coach Tab Baldwin.

Bumagsak naman ang Bulldogs sa markang 3-7 at ngayo’y nasa bingit na ng maagang eliminasyon.

Buhat sa kanilang panimulang 10-0 run, hindi na lumingon pang muli ang Blue Eagles hanggang sa ganap na makumpleto ang season sweep nila sa Bulldogs. Nanguna para sa nasabing panalo ng Ateneo si Thirdy Ravena na tumapos na may double double 23 puntos at 12 rebounds.

Sinundan siya ng Ivorian center na si Angelo Kouame na may double-double ding 19 puntos at 17 rebounds.

Samantala, bigo namang maisalba ang Bulldogs ng career best ni John Lloyd Clemente na 25 puntos.

Ang Iskor: ATENEO 79 – Ravena 23, Kouame 19, Belangel 11, Verano 7, Go 7, Tio 3, Black 3, Mendoza 2, Mamuyac 2, Daves 2, Asistio 0, Wong 0, Navarro 0, Andrade 0: NU 64 – Clemente 25, Ildefonso D 13, Ildefonso S 7, Diputado 5, Yu 5, Gaye 4, Joson 3, Rike 2, Gallego 0, Sinclair 0, Galinato 0, Morido 0, Malonzo 0

QUARTER SCORES: 22-11, 47-25, 65-47, 79-64 (VA)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.