Search
  • Clyde Mariano

ASIAN GAMES SILVER MEDALIST LIFTER DIAZ, SASABAK SA TURKMENISTAN

HABANG ginugunita ng mga Pinoy ang All Souls Day sa Nob. 1 kasabay nito ang paglahok ni Brazil Olym­pics silver medalist

sa World Weight­lifting Championship na ga­gawin sa Turkmenistan kung saan nanalo siya nang ginto sa Asian Indoor Games and Martial Arts Festival.

Nakaalis na si Diaz ka­hapon kasama ang kanyang Chinese coach na makiki­pagsukatan nang lakas sa pagbuhat ng barbell sa mga katunggali na lahat ay nag­hahanda na makapaglaro sa 2020 Tokyo Olympics.

Mataas ang morale at in fighting mode si Diaz na harapin ang mga kalaban sa kanyang tagumpay sa kata­tapos na Asian Games sa Indonesia at muling maka­pag-uwi ng karangalan sa bansa tulad ng ginawa niya sa Southeast Asian Games, Asian Games, Asian Weight­lifting, ASEAN Weight­lifting.

Determinado si Diaz na magwagi dahil ang torneo ay kasama sa Olympics quali­fy­ing sa 2020 Tokyo. “Ka­sama ito sa serye ng quali­fying sa Olympics Games. Pinaghandan ko ito nang husto dahil world class ang tournament. Gagawin ko ang lahat gusto ko maka­paglaro uli sa Olympics,” sabi ng Diaz sa panayam sa kanya. “Back to zero. Hindi nangangahulugan nananalo ako pilak sa Brazil ay qua­lified na ako. Hindi ganyan sa Olympic Games. Kaila­ngan sumali at maka-qualify para makapaglaro sa Tok­yo,” wika ni Diaz.

Si Diaz ang unang Pinoy na nagwagi ng medalya sa Olympic Games na hindi nagawa ng lifters na nauna sa kanya. Lalahok si Diaz sa 53 kgs. na kanyang dinomina sa SEAG, Asian Weight­lifting at ASEAN Weight­lifting.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.