Search
  • BULGAR

Abot-kayang gamutan, malaking ginhawa sa bayan

JV EJERCITO / BOOM!

MARAMI ang nagsa­sabi na may mga batas sa Pilipinas ang hindi napakikinabangan.

Ang dahilan ay ang kawalan ng pondo para sa implementasyon ng mga ito at hindi natin ito gustong mangyari kaya sinisigurado nating mapopondohan ang “Universal Health Care for All Filipinos Act” o Senate Bill No. 1896 na mas kilala bilang UHC.

Sa totoo lang, ang pagtitiyak sa pondo ang malaking dahilan kaya natagalan at ngayong Oktubre lamang ito naaprubahan sa third and final reading, ang UHC sa Senado.

Ambitious ang UHC dahil gagawin nitong covered ng National Health Insurance Program ang lahat ng Pili­pino kung saan magi­ging abot-kaya o maga­an sa bulsa ang pagpapagamot o hospitalization dahil gobyerno ang sasagot sa malaking bahagi ng gastos.

Inaasahang magiging batas ito bago matapos ang taon kaya maga­gamit na for implementation next year ang P70 bilyon na current budget ng DOH for assistance, P70 bilyon ng PhilHealth na subsidy sa non-contributory members, P27 bilyon mula sa Pagcor at P8 bilyon mula sa PCSO.

Kaya sa una o kahit sa ikalawang taon ng implementasyon ng UHC ay walang dapat ikabahala dahil mayro­ong pondo. Gayunman, tuluy-tuloy ang pagha­ha­nap ng pondo para masustain ang UHC dahil sa darating na mga taon ay siguradong lala­ki ang pangangailangan dahil nadaragdagan ang ating population.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.