• Jeff Tumbado

4 arestado sa illegal mining

APAT na kalalakihan ang dinakip dahil sa iligal na pagmimina sa lugar kung saan nangyari ang malagim na trahedya ng pagguho ng lupa sa Itogon, Benguet ha­bang nasa kasagsagan ng Bagyong Ompong noong nakaraang buwan.

Pawang mga residente ng Bontoc, Mt. Province ang mga suspek na naaktuhang nagmimina sa Chico mines sa Itogon nitong umaga nang Biyernes.

Isinagawa ang operas­yon ng Itogon Municipal Police Station at Benguet Pro­vincial Police Of­fice ma­karaang makatang­gap sila ng impormasyon mula sa ilang residente na ang kanilang ilog ay bigla na lamang nagkaroon ng ha­long putik.

Una nang nakita ng mga residente ang isang grupo na iligal na nagmimina sa na­turang mining site ilang kilo­metro lamang ang layo mula sa Bgy. Gumatdang kung saan ilan sa mga ito ay ar­mado ng baril.

Ang operasyon ng mga awtoridad sa lugar ay alinsu­nod sa kautusan ng De­partment of Environment and Natural Resources (DENR) na mahigpit na nag­babawal sa anumang uri ng pagmimina sa Cordillera Administrative Region dahil sa nangyaring trahedya du­lot ng Bagyong Ompong.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.