Welcome back, Boracay; mga pasaway goodbye!

WELCOME back, Boracay!
Matapos ang anim na buwang rehabilitasyon, muli nang binuksan ang isla sa publiko at bumuhos ang mga turista.
Matatandaang, ipinasara ang Boracay Island noong Abril 26, matapos bansagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘cesspool’ ang isla.
At sa pagbabalik nito, nasa 157 hotels at resorts ang binigyan ng “go-signal” ng Boracay Inter-agency Task Force na maaaring tumanggap ng mga bisita na may katumbas na 7,308 rooms.
Ilan sa mga highlight sa Boracay Island reopening ang unveilling ng Boracay icon na nagpapakita ng bagong mukha ng isla at ito ang unang bubungad sa mga turista.
Nagpakitang-gilas naman ang mga katutubong Ati, itinuturing na sinaunang nanirahan sa isla sa pamamagitan ng kanilang sayaw.
Samantala, sa mga kapalmuks na non-compliant hotels na tumatanggap ng reservation at naniningil na, mahiya naman kayo!
Hintayin n’yo na lang na tuluyan kayong maipasara, forever!
At sa atin mga bakasyunista, siguraduhin munang hindi pasaway ang pipiliing hotel para iwas-aberya.





Comments