Search
  • Levi Gonzales

Supplier ng droga ng mga estudyante, huli

KUMAGAT sa isinaga­wang buy-bust operation ang dalawa umanong tulak ng iligal na droga sa Bgy. Calit-calit, San Juan, Batan­gas.

Alas-6:40 ng hapon, ga­mit ang isang police asset, ipinain sa magpinsang sus­pek na sina Roderick at Mar­­­lon Consebido, ang P25,000 fake money kapa­lit ang ilang kilong marijuana.

Pagkatanggap sa pinag-usapang halaga agad di­nakma ang dalawa saka na­kuha sa kanila ang tinataya pang 2-kilo ng marijuana, 2 cellphones, motorsiklong gamit sa transaksiyon at 25 pirasong tig-iisang libong pekeng pera.

Ang mga suspek ang sinasabing pangunahing pi­nagkukunan ng mga parok­yanong estudyante sa ika­apat na distrito ng Batan­gas.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.