SEA WRESTLING CHAMPIONSHIP KASADO NA SA SAN PABLO


LARGA na ang lahat ng sistema sa pagdaraos ng buwenaanong Southeast Asian Wrestling Championship sa Pilipinas na bubuno sa asensadong Lungsod ng San Pablo sa Laguna.
Sa ipinatawag na presscon kahapon, ipinagmalaki ni sportsman councilor Karla Adajar na handang-handa na ang kanilang balwarte na pagdarausan ng naturang higanteng kaganapan na lalahukan ng pinakamahuhusay na wrestlers at martial artists sa bansa.
Sinabi naman ni Wrestling Association president Alvin Aguilar na halos lahat ng bansang miyembro ng Asean nations sa Timog Silangang Asia at ang best of the best na local at international ay ipapamalas ang kanilang husay sa torneong barometro na rin kung sino ang lalaro para sa Pilipinas na makapagbibigay ng karangalan sa bansa sa international scene. (MC)





Comments