Search
  • BULGAR

RED LIONS AT LPU PIRATES, SINO ANG MABANGIS SA FINAL?


HINDI na nagpaliguy-ligoy ang defending champion San Beda University at 2017 runner-up Lyceum of the Philippines, tinalbos nila ang kanilang katunggali upang iayos ang kanilang finals date sa 94th NCAA basketball tournament.

Pinatalsik ng Pirates ang Letran, 109-95 sa unang laro habang nilapa ng Red Lions ang 83-72 panalo kontra host Perpetual Help kahapon sa FilOil Flying V Center, San Juan.

Balik sa championship round ang San Beda University at Lyceum matapos nilang magharap nakaraang season kung saan ay nanaig ang Red Lions.

Best-of-three ang bakbakan, pagkakataon ng Pirates na makabawi upang masikwat ang inaasam na titulo.

Pero para kay LPU head coach Topex Robinson, hindi paghihiganti ang kanilang layunin, sa umpisa pa lang ay naka-ukit na sa kanilang kukote na nais nilang bigyan ng inspirasyon ang ibang gustong maging basketball player.

Namuno sa opensa para sa Pirates si big man Mike Nzeusseu na may 23 points at 17 rebounds habang bumakas si CJ Perez ng 19 markers, 5 rebounds, apat na steals at 3 assists.

Para sa San Beda, kumayod si Robert Bolick ng 23 markers habang nagtala sina Javee Mocon at Donald Tankoua ng tig-14 at 13 puntos ayon sa pagkakasunod. Sa Nobyembre 6 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City ang barugan. (ATD)

Laro sa Nob. 6: (Mall of Asia Arena)

4:00 p.m. - Lyceum vs San Beda, (finals)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.