Search
  • Maeng Santos

Nilasing | BEBOT NI-RAPE NG MAG-UTOL


MATAPOS lasingin, halinhinang hinalay ng mag­kapatid ang 18-anyos na ba­bae sa Malabon City.

Nadakip si Romel Sta. Maria, 20, delivery boy sa kanilang bahay sa Bgy. Iba­ba habang pinaghahanap pa ang kanyang kapatid na si Roan Jay, nasa hustong gu­lang.

Sa ulat ng WCPD kay Malabon City Police Chief Sr. Supt. Jessie Tamayao, kasama ng magkapatid sa ka­nilang pag-iinuman sa ka­nilang bahay ang Grade 11 na biktimang itinago sa pa­ngalang ‘Jopay’ at dati ni­tong boyfriend na si ‘John’.

Bago maghatinggabi, nagpaalam na umano si ‘John’ habang ang biktima ay nagpatuloy sa pakikipag-inuman matapos siyang pa­kiusapan ni Roan Jay na magpaiwan.

Nang malasing, pina­higa umano ni Roan Jay ang dalaga sa sala at doon na pi­nagsamantalahan ng mag­kapatid.

Hanggang sa ala-1:00 ng madaling-araw nang dalhin umano siya ni Romel sa da­muhan, iginapos ang mga kamay at paa, bago muling hinalay, habang nakamasid si Roan Jay.

Pagkauwi, nagsumbong ang dalaga sa kanyang ina kaya agad nagtungo sa him­pilan ng pulisya na nagre­sulta sa pagkakaaresto kay Romel.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.