NAKAHANDA SA HEAVYWEIGHTS ANG RECRUITS NG LIFESAVERS


HAWAK ng Generika-Ayala Lifesavers ang malakas na kumpiyansa sa sandaling sumalang na sila sa Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference.
Sinabi ni head coach Sherwin Meneses na ang adjustment ng team ay tapos na at panahon na ngayon para harapin ang mga heavyweights na patuloy nilang pinaghahandaan para sa titulo ng prestihiyosong women’s club tourney.
Idinagdag pa ni coach Meneses na kanilang ibabalandra ang bago nilang lineup tulad ng mga recruits na sina Angel Araneta, Marivic Meneses, Mikaela Lopez, Fiola Ceballos at Patty Orendain na pawang mga nagbabalik sa kani-kanilang mga layunin na maging palaban sa torneong naging pamilyar na sa kanila.
Nariyan din ang kanilang mga backline defenders na sina Bia General katuwang sina Bang Pineda, April Hingpit, Carol Cerveza, Laizah Bendong, Sheeka Espinosa, Marlyn Llagoso at Jamie Lavitoria. “The adjustment period is over and it’s now time for us to come up with the result,” ayon kay Meneses, na umaasa ng magandang pagtatapos ng season play na kanilang pinaghandaan at umasang makatuntong sa semifinals. “We had a great off-season and our chemistry had improved. I hope we can carry the momentum all the way to the All-Filipino Conference.”
Ang liga ay magbubukas sa Okt. 30 sa FilOil Flying V Centre habang ang pormal na opening ceremony ay sa Nob. 3 sa Ynares Sports Center. Magkakaroon ng Fans Day ngayong Linggo sa Taguig Lakefront Community Park sa Lower Bicutan, Taguig City. (MC)





Comments