Search
  • Gina Pleñago

Naalimpungatan, nahulog mula sa rooftop | LALAKI LASOG SA CONDO


AKSIDENTE uma­nong nahulog mula sa rooftop ng ginagawang apartment ang isang construction worker na nasawi sa Pasay City, kahapon nang madaling-araw.

Halos mabasag ang ka­liwang ulo at nalasog ang ka­tawan ng biktimang kinilala sa alyas Cris.

Ayon sa inisyal na ulat ng Pasay City Police, nahu­log ang biktima mula sa ikat­long palapag na rooftop sa apartment na matatagpuan sa 5th St., Bgy. 183,Villamor, pasado alas-12:00 ng ha­tinggabi.

Sa pahayag sa awtori­dad ni Niko Vidal, isa ring construction worker, pasado alas-8:00 ng gabi nang mag­hiwalay sila matapos ang kanilang inuman. Aniya, lasing si Cris pero, kinaya pa nitong umakyat sa rooftop upang doon ma­tulog.

Makalipas ang ilang oras, ginising na lamang siya ng isa pa nilang kasama sa tra­baho at sinabing nahulog at namatay ang biktima.

Hinala ni Vidal, posible umanong naalimpungatan at naglakad sa rooftop at dahil walang harang, aksidente itong nahulog. Gayunman, patuloy pang inaalam ng mga aw­toridad kung may foul play sa pagkamatay ni ‘Cris’.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.