Search
  • BULGAR

Hirit ng Comelec sa mga kandidatong maagang nangangampanya, pairalin ang delicadeza!

RYAN B. SISON / BOSES

‘YUNG mga kandidatong daig pa ang multo sa pagpaparamdam na kahit hindi pa campaign period ay nag-u­umpisa ng mangampanya, ibang klase talaga!

Kaya nagbigay ng pahayag ang Commission on Elections (Comelec) sa ilang tatakbo sa 2019 elections na huwag samantalahin ang butas sa umiiral na batas tungkol sa premature campaigning.

Kung saan kahit aminado si Co­melec Spokesperson James Jimenez na hindi na masyadong mahigpit ang batas hinggil sa mga ganitong bagay kaya wala na silang magawa para pi­gilan ito dahil natanggal na rin sa Republic Act 9369 ang batas sa ma­agang pangangampanya ay magkaroon pa rin sana ng disiplina ang bawat isa.

Dagdag pa rito, sinabi niyang sana, magkaroon ng delicadeza ang ilang kandidato nang sa gayun ay hindi na magkagulo at magkaroon tayo ng ma­linis at tapat na halalan.

Gayunman, halimbawa sa mga maagang pangangampanya na ayaw nating kunsintihin ay ang mga kandi­datong may asawa, kapatid o kamag-anak na celebrity na ginagamit nilang paraan at gumagawa ng kung anu-anong gimik maibenta lang nila ang kanilang pangalan, lalo na at hindi pa panahon ng kampanyahan.

Pero, kung nais din natin itong ma­iwasan, mainam kung idaraan natin ito sa legal na pamamaraan sa pama­magitan ng pag-amyenda sa umiiral na batas.

Samantala, ipinaaalala natin sa mga kandidato na itinakda ng Comelec ang panahon ng kampanya para sa mga national post sa Pebrero 12 hanggang Mayo 11, 2019 habang sa Marso 29 hang­gang Mayo 11 ang para sa mga local na posisyon.

Gayundin, para sa lahat ng mga botante, huwag magpapasilaw sa pera at vote wisely!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.